Nakipag-ugnayan ang mga Alkalde ng National Capital Region (NCR) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa isinusulong na digital vaccine certificate project.

Sa isang interbyu sa radyo, sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na sinimulang isumite ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang listahan ng vaccinated residents sa naturang ahensiya.
“Napag-usapan po namin ‘yan sa Metro Manila Council. In fact, ‘yung aming mga IT ay patuloy nagda-download na po sa DICT para sa unified vaccination card. So tuloy-tuloy po ginagawa ‘yan ng LGU dito sa Metro Manila,” saad ni Mayor Olivarez.
Aniya, kanilang sisikapin na ito ay matapos ngayong buwan ng Agosto.
“Lahat naman po kaming LGU may system kami… I-download lang ‘yan sa DICT para ang concentration ng data para doon sa unified vaccination card,” ani Mayor Olivarez.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio B. Honasan II, ang naturang ahensya at ang Department of Health ay tinatrabaho na ang “VaxCertPH” na ibibigay para sa mga fully vaccinated individual sa bansa.
Sa huling pagtatala ngayong buwan ng Agosto, higit 12 milyong indibidwal na ang nabakunahan sa Pilipinas. #DM
0 comments on “Mga Alkalde sa NCR, nakipag-ugnayan sa DICT para sa digital vaccine certificate”