SPORTS

Onyok Velasco, abot-kamay na ang 100k rewards plus Chooks-to-Go franchise

Matapos ang dalawampu't limang taong paghihintay ni Atlanta Olympics silver medalist Mansueto "Onyok" Velasco, ngayon, inaani na niya ang mga insentibo nang kanyang pagkapanalo sa naturang kompetisyon sa kanyang panahon.

Matapos ang dalawampu’t limang taong paghihintay ni Atlanta Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco, ngayon, inaani na niya ang mga insentibo nang kanyang pagkapanalo sa naturang kompetisyon sa kanyang panahon.

image: abs-cbn.com

Nakatanggap nang Php 100,000 mula kay Ronald Mascariñas, ang Pangulo ng Bounty Agroventures Inc. (BAVI) at ang pagkakaloob ng isang franchise store ng flaship product na Chooks-to-Go para sa tagumpay na nakamit ni Onyok sa kanyang inuwing medalya sa bansa sa kasagsagan ng kanyang pagkapanalo noon.

Tinanggap ni Velasco ang kanyang rewards mismo sa opisina ng BAVI.

“Nung matapos kong manalo ng silver sa Atlanta Olympics, yung hindi natupad yung sa Congress na PHP2.5 million pati yung sa Philippine Navy na scholarship ng dalawang anak ko. Yung bahay nandiyan na pero yung titulo wala pa. Nagpangako rin ng PHP10,000 monthly na lifetime pero isang taon lang binigay sa akin,” saad ni Velasco.

Inihahanda naman ng gobyerno ang Php500,000 cash incentive para kay Velasco ni Senate Committee in Sports chairman Bong Go.

Sinabi naman ni Macariñas na, “Natutuwa akong makita ang buhos ng parangal at gantimpala mula sa pamahalaan at lalo na sa pribadong sektor sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa nitong nakaraang Olympics. Ngunit may isang matagal nang pangakong tila nakalimutan na.”

Sinabi ni Velasco na, “Kala ko nga nanalo din ako sa Tokyo Olympics e na may nagbigay sa akin ng Chooks-to-Go.”

Lubos ang pasasalamat ni Velasco sa pangulo ng BAVI. Aniya, “Boss Ronald, talagang hulog ka po ng langit sa akin at sa buong pamilya ko dahil binigyan niyo po ako ng kabuhayan. Sana marami pa kayong matulungan na tulad ko.” #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Onyok Velasco, abot-kamay na ang 100k rewards plus Chooks-to-Go franchise

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: