
Tinuturing na may pinaka-mahabang epekto kontra COVID-19 ang AstraZeneca na manufactured ng British-Swedish firm kumpara sa iba pang mga bakuna, ayon kay Vaccine Expert chair Dr. Nina Gloriani nitong Lunes, Agosto 16, 2021.
Umapela si Gloriano sa publiko na iwasan ang paghahanap ng booster shot sa gitna ng paglitaw ng mas nakahahawang Delta variant COVID-19.
Aniya, ang lahat ng COVID-19 vaccine brands ay epektibo na tumatagal ng 6 hanggang walong buwan, habang ang AstraZeneca naman ay tumatagal ng isang taon.
“That of Sinovac goes down in less than six months, but if there is a booster, it will go up again. Pfizer and Moderna, meron rin silang six months,” saad ni Gloriani.
“Janssen, they have a data [showing that in] eight months, the protection remains robust. Iyong AstraZeneca ang may pinakamahaba [na protection]. This is based on public data, not press releases. One year po sila,” dagdag ni Gloriani.
“Kaya huwag tayo magmadali sa pagbo-boost.” Ani Gloriani.
Ayon sa ebalwasyon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), 70% ang efficacy rate ng AstraZeneca pagtapos na mabakunahan ng first dose, umaakyat naman sa 90% nito matapos na makatanggap ng ikalawang dose sa loob ng 4 hanggang 12 linggo ng pagtuturok ng naturang bakuna.
Sa pagtatala, nasa 42 million doses ng COVID-19 vaccine ang meron na sa bansa. Habang 7.84 million doses naman nito ay mula sa AstraZeneca.
Halos kalahati naman ng buong bakuna sa Pilipinas ay suplay ng Chinese vaccine manufacturer na Sinovac.
Kasabay nito, ipinasa ng Metro Manila Council ang isang resolusyon na tumatawag-pansin para sa paggawa ng ordinansa laban sa hindi makatarungang paggamit ng mga government-procured vaccines bilang booster, bilang mga suplay sa bansa na mananatiling limitado. #DM
0 comments on “AstraZeneca, may pinakamahabang epekto kontra COVID-19 kumpara sa ibang mga bakuna”