Daan–daang mga pamilya na apektado ng “clan war” tumanggap ng relief goods mula sa LGU–Datu Piang, BARMM at Office of Civil Defense-NDRRMC

Read Time:1 Minute, 15 Second

 [RASHID RAH. BAJO/Photo credit to Abdul Campua of AL SUARA NEWS]

MAGUINDANAO, BARMM–– Daan-daang mga pamilya na apektado ng “clan war” sa isang malayong barangay sa bayan ng Datu Piang sa probinsya ng Maguindanao ang nakatanggap ng mga tulong (or relief goods) kahapon (Martes, Agosto 17, 2021) mula sa LGU–Datu Piang, regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Office of the Civil Defense (OCD)–NDRRMC.

Ang pamamahagi ng nasabing relief goods, kung saan pinangunahan ni LGU–Datu Piang Mayor Victor T. Samama, katulong ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), ay ginanap sa covered court ng Datu Gumbay Piang Central Elementary School sa Barangay Buayan ng nasabing bayan.

Ang representante ng bawat apektadong mga pamilya ay nakatanggap ng bigas, hygiene kit at kape, asukal at iba pa.

Umabot sa 310 na mga pamilya ang napaulat na apektado ng nasabing gulo doon, ayon kay Mayor Samama.  

Pagkatapos ng pamamahagi ng mga ayuda sa nasabing mga pamilya, kaagad nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Samama sa pamunuan ng regional government ng BARMM at sa mga opisyal ng OCD–NDRRMC sa ipinadala nilang relief goods.

Sa interbyu sa kanya ng Diyaryo Milenyo, sinabi ni Mayor Samama na ang binigyan ng mga ayuda na mga pamilya ay galing sa Barangay Masigay.

Ayon kay Mayor Samama, gagawa sila ng mga hakbang upang matigil na ang gulo sa nasabing barangay. 

“Pinalalamig lang namin ang sitwasyon doon,” sabi ni Mayor Samama.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post GOOD NEWS: DPWH pinuri at pinasalamatan ng LGU-Tacurong City sa pag–implement ng proyekto na magbibigay ng kaligtasan sa mga pedestrian at mga motorista
Next post Hindi pag-atake sa mga ahensya ang isinagawang Audit report ng COA ayon kay ex-COA commissioner Mendoza
%d bloggers like this: