NEWS PUBLIC WORKS & HIGHWAYS

GOOD NEWS: DPWH pinuri at pinasalamatan ng LGU-Tacurong City sa pag–implement ng proyekto na magbibigay ng kaligtasan sa mga pedestrian at mga motorista

SULTAN KUDARAT, Philippines –– Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Lino Montilla ng Tacurong City ang tanggapan ng DPWH–12 at ang DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office sa pag–implementa ng isang proyekto na magbibigay seguro sa kaligtasan ng mga “pedestrian” at mga motorista na dumadaan sa nasabing siyudad.

[RASHID RH. BAJO/Photo credit to LGU–Tacurong City Information Office]

SULTAN KUDARAT, Philippines –– Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Lino Montilla ng Tacurong City ang tanggapan ng DPWH–12 at ang DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office sa pag–implementa ng isang proyekto na magbibigay seguro sa kaligtasan ng mga “pedestrian” at mga motorista na dumadaan sa nasabing siyudad.

Ang DPWH–12 ay nasa ilalim ng pamamahala ni Regional Director Basir M. Ibrahim na nakabase sa Koronadal City habang ang DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office naman ay nasa ilalim ng pamamahala nila District Engineer Amer T. Pundag, MPA at Assistant District Engineer Alihar A. Mama.

“I am grateful to DPWH Regional Office 12 as well as to the DPWH Sultan Kudarat 1st District Engineering Office for bringing this project to the people of Tacurong,” sabi ni Mayor Montilla sa ipinalabas na press statement ng City Information Office ng nasabing siyudad.

Advertisement

Ayon sa press statement, na nakaposte sa social media account ng 91.1 MAX FM–Tacurong City, ang nasabing “center island” na proyekto ay nagkakahalaga ng P45–Milyones at iko–cover nito ang mga bahagi ng national road, partikular sa kahabaan ng Kidapawan-Allah Junction Road at Dulawan-Marbel Road, at magtatagpo ito sa rotunda ng siyudad.

Ang rotonda ng siyudad ay sinasabi na “gateway” ng mga motorista na nagmumula sa mga probinsya ng South Cotabato, Sultan Kudarat at North Cotabato. Ang Tacurong ay ang “component city” ng probinsya.

Kasama sa itatayo sa nasabing proyekto ay ang pag–install ng 120-watt twin central solar street lights.

Naniniwala si Mayor Montilla na ang itinayong mga street light at center island na proyekto ay mas magpapatingkad ganda at ningning ng siyudad, lalo na kung gabi. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “GOOD NEWS: DPWH pinuri at pinasalamatan ng LGU-Tacurong City sa pag–implement ng proyekto na magbibigay ng kaligtasan sa mga pedestrian at mga motorista

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: