
Hindi pag-atake sa mga ahensya ang isinagawang Audit report ng COA ayon kay ex-COA commissioner Mendoza

Hindi pag-atake laban sa mga ahensiya ang ginagawa ng Commission on Audit (COA) ayon kay dating COA commissioner Heidi Mendoza nitong Miyerkules.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ito’s kaugnay sa naging emosyonal na pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga akusasyon ng COA tungkol sa annual report na may deficiencies o kakulangan ang ahensya sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 response at tila winasak ang kanilang dangal at moralidad patungkol sa usaping ito.
“Sabi ko nga, tignan natin ‘yung audit report as a vessel to correct those deficiencies and let’s look at the auditors as our partners for development,” saad ni Mendoza sa isang forum.
“Naintindihan ko, sensitive siya kasi nga ang lakas ng pressure… but it’s not the COA, di ba? Ang ano lang ng COA, they issue the audit report,” ani Mendoza.
“Sana nandoon ‘yung tinatawag kong professional response… mechanism ‘yung audit, eh. It’s a formal mechanism of accountability, so kung tinignan siya ng ganoon, mas napagusapan,” ani Mendoza.
Nitong nakaraang linggo, ipinagbawal o “flagged” ng COA ang Department of Health (DOH) sa ilang kakulangan sa paggamit ng P67.32 billion COVID-19 funds, na pangunahing sanhi ng di-pagsunod sa mga batas o non-compliance sa batas, patakaran, at regulasyon.
“Ang akin lang i-stress, kailangan nakipagtulungan doon sa mahabang taon. Kung merong hindi nasubmit pwede naman sabihin na ito muna ang isa-submit ko kasi ganito ganyan. It’s a matter of communicating,” paglilinaw ni Mendoza.
“Kung ikaw ay minsan lumutang, nakilala, dahil sa iyong best practices sa isang ahensya, meron din panahon na makita yung kahinaan ng ahensya, kailangan maging pantay ang pagtugon,” dagdag pa ni Mendoza. #DM