[Ni Sid Luna Samaniego]
Alinsunod sa Executive Order No. 28, ipatutupad sa buong bayan ng Ternate, Cavite ang Liquor Ban.

Ibig sabihin nito, ipagbabawal ang pagbebenta, pag-inom, at pagbili ng anumang uri ng nakalalasing na inumin.
Ang kautusan ay ipinabatid ni Mayor Lamberto Bambao sa pamamagitan ng isang facebook post. Epektibo ito simula ngayong araw (Agosto 20) at magtatagal nang hanggang Agosto 31.
Ito ay upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bayan.
Sa nakuhang datos, simula nang magluwag ang Quarantine Restrictions, tumaas ang bilang ng mga naitatalang COVID Cases sa bayan.
Bukod sa Liquor Ban, mahigpit ding ipatutupad ang curfew hours na magsisimula alas-8:30 ng gabi at magtatagal hanggang alas-4 ng umaga.
Ang sinuman na mahuhuling lalabag dito ay papatawan ng karampatang parusa na naaayon sa Section 9 nang Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Vents of Public Health Concern Act and its Implementing Rules and Regulation. #DM
0 comments on “Bayan ng Ternate, Cavite, ipatutupad ang Liquor Ban”