Delta variant laganap na sa mga komunidad, ayon sa isang eksperto

Read Time:1 Minute, 3 Second
image: ABS-CBN

Mayroon nang umanong hawahan ng highly-infectious Delta variant COVID-19 sa bawat komunidad, ayon sa pinuno ng Philippine Genome Center (PGC).

Ito ay base sa isinagawang pag-aanalisa at pag-aaral ng “phylogenetic tree” o ang diagram of infections batay sa mga sample na ginawan ng sequenced sa mga nagdaang buwan, ayon kay Dr. Cynthia Saloma.

Sa isang panayam kay Saloma sa DzBB, sinabi niya na, “From our point of view at the Philippine Genome Center, we are looking at the cases and marami na po ang unlinked, meaning to say mahaba na yung tree or branch ng tree na hindi mo na malaman kung saan sila nanggaling.”

Aniya, ang community transmission ng Delta variant sa bansa ay isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, kung saan ay nakapagtala ng 17,231 na mga bagong kaso nitong Biyernes.

Dagdag pa ni Saloma na nagsimula ang hawaan ng Delta variant nitong buwan ng Hulyo, na mayroong 48% sa isinagawang sequenced, kumpara noong buwan ng Hunyo kung saan ay 5 porsiyento lamang ang nahawaan ng naturang variant.

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na walang nagaganap na hawaan sa bawat komunidad kundi local transmission ng Delta variant. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post COVID-19 vaccine kontra Delta variant, humina ang bisa ayon sa pag-aaral
Next post Duterte sa DOH at DBM: 10 araw na palugit para ipamahagi ang benepisyo ng mga frontline health workers
%d bloggers like this: