Humina ang bisa ng COVID-19 vaccines laban sa Delta vatiant.

Ito ang lumitaw sa pag-aaral na isinapubliko sa Morbidity and Mortality Weekly Report. Hindi naman lumabas sa nasabing pag-aaral kung ano ang tunay na dahilan ng breakthrough infections kung dahilan ba nito sa bumababang immunity o dahil sa nababawasang proteksyon laban sa Delta variant.
Inanunsyo ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na maari nang turukan ng booster shot ang lahat ng mga Amerikano sa Setyembre.
Ayon sa pag-aaral ng US long-term care facilities, nakita na bumubulusok sa 53.1% mula sa dating 74.7% ang vaccine efficacy para mild hanggang severe cases nang kumalat na ang Delta variant.
Bumaba rin mula sa 91.7% sa 79.8% ang bisa ng mga bakuna para tumulong sa pagpigil na mahawa ng naturang virus.
Sa pag-aaral naman ng New York State health officials, nanatili pa rin sa 90% ang napipigilan ng pagkakaospital ng mga indibidwal na nagkakaroon ng virus.
Samantala, ang breakthrough infections ay nangyayari kapag ang isang indibidwal ay nabakunahan na pero nahawahan pa rin ng COVID-19. ###
0 comments on “COVID-19 vaccine kontra Delta variant, humina ang bisa ayon sa pag-aaral”