COVID-19 PH

Duterte sa DOH at DBM: 10 araw na palugit para ipamahagi ang benepisyo ng mga frontline health workers

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) at ang Department of Budget and Management (DBM) nang sampung (10) araw para ipamahagi ang benepisyo sa mga frontline health workers na patuloy na nakikipagbuno sa peligrosong coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) at ang Department of Budget and Management (DBM) nang sampung (10) araw para ipamahagi ang benepisyo sa mga frontline health workers na patuloy na humaharap sa peligrosong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Advertisement

Ito ay direktibang inatang ng Pangulo sa nasabing mga ahensya matapos mabatid ang complaint ng ilang mga grupo ng medical professionals mula sa private hospitals tungkol sa hindi umano pag-release ng kanilang special risk allowance (SRA) at ang pagtanggal ng kanilang mga benepisyo sa pagharap sa pandemya.

Sa kanyang pre-recorded public address na inilabas ngayong Sabado ng umaga, sinabi ni Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III, na gamitin ang mga natitirang pondo at humanap ng iba pang resources para maipagkaloob na ang naunsyaming compensation para sa mga health workers.

“It’s an order, Secretary Duque, bayaran mo [the medical frontliners]. Use whatever money there is. Bayaran mo ‘yung hinihingi ng mga nurses,” saad ni Duterte.

“I am committed to leading our nation out of this pandemic, with the help of front-line institutions so that we can be victorious,” dagdag ni Duterte.

Inatasan din ni Duterte ang DBM na ipamahagi na ang mga pondo para sa distribusyon ng benepisyo ng mga medical frontliners.

“I know that ‘Bayaran mo,’ it is upon your request to the DBM. Hindi ikaw magkuha dyan sa bulsa mo para ibayad mo. I would like now, itong naghawak ng pera or authority to spend, DBM, I’m giving you 10 days,” ani Duterte.

“Wala kayong personnel? Borrow from other agencies or from kung saan. Magkuha kayo ng mga empleyado. Hiraman kayo. Bigay mo yung pera kay Secretary Duque tapos bayaran niya. Walang hinahawakan yan na pera si Secretary Duque,” dagdag pa ng Pangulo.

Ipinahayag din ng Pangulo na handa niyang gamitin ang pondo ng kanyang opisina para matiyak na mabilis na ma-release ang mga benepisyo ng mga health workers. #DM

One of my expertise is to create copy, simple yet catchy copy that is unique to your company, and to share my published journals that you can use. My official mascot is a T-Rex, it represents my name itself; T-Rex Copywriting is one of the most creative yet affordable copywriting services that can effectively translate your thoughts into cash-generating words. I guarantee copies that boost your marketing effort and maximize sales.

0 comments on “Duterte sa DOH at DBM: 10 araw na palugit para ipamahagi ang benepisyo ng mga frontline health workers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: