[RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/Photo credit to LGU—Pandag]

MAGUINDANAO, BARMM – Masaya at mainit na tinanggap ni Mayor Zihan Mamalinta—Mangudadatu ang pagdalaw ni Gilbert V. Buenafe, RCRIM, MMPA, ang bagong itinalaga na regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa BARMM, sa bayan ng Pandag sa probisnya ng Maguindanao.
Kasama ni RD Buenafe si BARMM––PDEA Assistant Regional Director Marlon Santos at ilang mga staff nila ng mag—courtesy call ito sa tanggapan ni Mayor Mangudadatu noong August 5, 2021.
Pagkatapos silang mag-usap na tatlo sa tanggapan ni Mayor Mangudadatu, kaagad silang nagsagawa ng pulong sa mga miyembro ng MADAC at BADAC sa Datu Powa Convention Center na matatagpuan din sa Pandag.
Si Mayor Mangudadatu ay ang chairwoman ng Municipal Anti—Drug Abuse Council (or MADAC) ng LGU—Pandag.
Dumalo rin sa nasabing pulong si Liga ng Barangays President Abdulhamid Mangelen.
Pagkatapos pulong, kaagad namang binisita nila RD Buenafe at ARD Santos, kasama si Mayor Mangudadatu, ang itinayong Balay Silangan nila doon.
Saksi sa pagbisita ng nasabing mga opisyal ng PDEa BARMM sa Balay Silangan ng LGU—Pandag sina Hon. Dagadas Usop, Hon. Guiamaludin Mamalinta, Hon. Norodin Pilas, Hon. Misuari Manibpel, Hon. Mohamadali Limba at Hon. Rahib Mamalinta. #DM
0 comments on “Bagong Regional Director ng PDEA—BARMM nag—courtesy call kay LGU—Pandag Mayor Zihan Mamalinta—Mangudadatu”