
Colonel Kinazo ng SKPPO nag-donate isang sakong bigas sa mga estudyante ng isang eskwelahan sa probinsya ng Sultan Kudarat
[RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/Photo credit to Sultan Kudarat Provincial Police Office—PRO 12 FB page]

ISULAN, Sultan Kudarat – Abot-langit ang tuwa ng mga estudyante ng Mahad Sultan Pax Institute ng bigyan sila ng isang sakong bigas ni Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO) Provincial Director Colonel Noel Kinazo.
“Tuwang—tuwa talaga kami sa ibinigay na bigas ni Colonel Kinazo. Ang bait talaga niya,” sabi ng isang estudyante na tumanggap ng nasabing bigas.
Personal na ibinigay ni Colonel Kinazo ang nasabing bigas sa harap ng Admin Building na matatagpuan sa loob ng compound ng SKPPO sa Camp Amando Dumlao Sr. sa bayan ng Isulan.
Kilala sa boung probinsya si Colonel Kinazo na isang “approachable” at matulungin na opisyal ng Philippine National Police sa probinsya. #DM