GOOD NEWS: LGU–Datu Piang malapit ng magkaroon ng sariling water district dahil sa tulong ng BARMM, ayon kay Konsehal Harris Kasim
[by Rashid RH. Bajo]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!MAGUINDANAO, BARMM –– Magkakaroon na ng sariling water district ang bayan ng Datu Piang sa probinsya ng Maguindanao, ayon kay elected Municipal Councilor Harris Kasim.
Sa interbyu sa kanya ng Diyaryo Milenyo Digital News, sinabi ni Konsehal Kasim na naglaan ng P10–Milyones ang regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa construction ng water system structure ng nasabing water district.
“Tapos na ang construction ng water system ng panukalang Dulawan Water District dito sa bayan ng Datu Piang,” sabi ni Konsehal Kasim.
Nagpapasalamat si Konsehal Kasim, kasama na ang LGU–Datu Piang, sa regional government ng BARMM sa suportang ibinigay nito sa kanilang bayan.
Ayon sa kanya, pag naitatag na ang nasabing water district sa Datu Piang, mabibigyan na ng malinis na tubig ang mga kabahayan dito, tulad ng tubig na ibinibigay ng NAWASA sa Cotabato City. #DM
You must be logged in to post a comment.