Pitong ahensiya at LGU, lalahok sa Webinar sa Korespondensiya Opisyal ng KWF

Read Time:1 Minute, 14 Second

Lalahok ang pitong ahensiya at LGU sa libreng Webinar sa Korespondensiya Opisyal ng Komisyon sa Wikang Filipino sa darating na 25–26 Agosto 2021.

Kasama sa mga makikiisang ahensiya at LGU ang Bayan ng Marilao, Bulacan; Bayan ng Carmona, Cavite; Lungsod San Jose, Nueva Ecija; Kagawaran ng Paggawa at Empleo-Kawanihan sa mga Manggagawang may Tanging Pangangailangan (DOLE-BWSC); Sentrong Medikal ng Rizal (RMC); Pang-alaalang Sentrong Medikal ng Jose R. Reyes (JRRMMC); at Nayong Pilipino Foundation.

Tampok sa webinar ang pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa at paghahanda ng opisyal na korespondensiya gámit ang wikang Filipino.

Magkakaroon ng intensibong pagtuturo sa paggawa ng mga memorandum, resolusyon, liham, at iba pang opisyal na komunikasyon na madalas ginagamit sa serbisyo publiko.

Pagtalima ito sa EO 335 na humihimok sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bílang opisyal na wika ng komunikasyon at korespondensiya sa serbisyo publiko.

Nilagdaan noong 1988 ni dáting Pangulong Corazon Aquino, layunin ng EO 335 na maging instrumento para sa pagkakaisa at kapayapaan ang wikang pambansa tungo sa pambansang kaunlaran.

Kaugnay nito, kikilalanin ng KWF ang 31 ahensiya at LGU na naging epektibo sa paggamit ng wikang Filipino sa mangyayaring Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa 31 Agosto 2021.

Kasama ang webinar at parangal sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.

Maaaring ipadala ang email sa pjstenmatay@kwf.gov.ph o tumawag sa numerong 0915-2864011. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Bagong Regional Director ng PDEA—BARMM nag—courtesy call kay LGU—Pandag Mayor Zihan Mamalinta—Mangudadatu
Next post GOOD NEWS: LGU–Datu Piang malapit ng magkaroon ng sariling water district dahil sa tulong ng BARMM, ayon kay Konsehal Harris Kasim
%d bloggers like this: