Banner Story NEWS

Go-Duterte, kasado na sa darating na halalan 2022; Sara, walang planong tumakbo sa pagka-Pangulo

Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang na Duterte ang maaring tumakbo sa darating na Halalan 2022 kung kaya't kasado na ang Go-Duterte kung sakaling hindi tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.

Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang na Duterte ang maaring tumakbo sa darating na Halalan 2022 kung kaya’t kasado na ang Go-Duterte kung sakaling hindi tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.

“This is what the President said as of 5:46 p.m. yesterday (Wednesday): Things are clear now, I will run for vice president,” saad ni presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing.

Sa inilabas na pre-recorded video, mariing inihayag ni Duterte na siya ay tatakbo. Dahil sa pahayag na ito, tila nagkaroon ng bawas sa naturang pre-recorded video kung kaya’t nilinaw ni Roque na ipinahayag ni Duterte na kung sakaling tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-pangulo, bibitawan ni Pangulong Duterte at ng kanyang tandem na si Sen. Bong Go ang kanilang kandidatura para bigyang daan si Sara.

Ayon kay Roque, naglabas ng pahayag si Pangulong Duterte na hindi na tatakbo sa pagka-pangulo si Sara sa darating na 2022 elections.

“The president’s stand remains: delicadeza states that only one Duterte should run,” ani Roque.

“So since only one Duterte would run and in his perception Mayor Sara would not run, then he can run for vice president. But nothing is final until October,” paglilinaw ni Roque na antayin daw hanggang sa pinaka huling araw ng pag-file ng kanilang kandidatura sa darating na Eleksyon 2022. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Go-Duterte, kasado na sa darating na halalan 2022; Sara, walang planong tumakbo sa pagka-Pangulo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: