CAMPUS NEWS

Althea S. Pablo, wagî sa Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021

Nagwagî si Althea S. Pablo sa KWF Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021 pára sa kaniyang lahok na “Los Baños sa Ilalim ng Mahika ni Maria.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00, medalya, at plake. Siyá ay nagmula sa South Hill School, Inc. at ginabayan ng kaniyang guro sa Filipino na si G. Karl Gabrielle De Los Santos.

Nagwagî si Althea S. Pablo sa KWF Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021 pára sa kaniyang lahok na “Los Baños sa Ilalim ng Mahika ni Maria.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00, medalya, at plake. Siyá ay nagmula sa South Hill School, Inc. at ginabayan ng kaniyang guro sa Filipino na si G. Karl Gabrielle De Los Santos.

Nagwagî din si Anthony E. De Jesus ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Un Man May Malay, Mga Hiyas ng Nakalipas.” Makatatanggap siyá ng PHP15,000.00 at sertipiko. Hinirang naman si Hanna Jane F. Ronquillo sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Pukaw sa Nakaraan: Balik-tanaw sa Barangay Cuta Bilang Himpilan ng Kasaysayan ng Lungsod Batangas.” Makatatanggap siyá ng PHP10,000.00 at sertipiko.

Ang mga tagapayo ng nagsipagwagî ay pagkakalooban din ng Sertipiko ng Pagkilála.

Pára sa taóng ito, gumanap bílang mga hurado sa timpalak sina Dr. Imelda P. De Castro, Dr. Emmanuel S. Gonzales, at Prop. Alvin Ringgo C. Reyes.

Ang KWF Timpalak Jacinto sa Sanaysay ay timpalak sa pagsulat ng sanaysay pára sa mga kabataang nása baitang 7 hanggang 11. Ipinangalan ang timpalak kay Emilio D. Jacinto (1875–1899), kabataang manunulat at dakilang anak ng bayan. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Althea S. Pablo, wagî sa Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: