Photo News PROVINCIAL

GOOD NEWS: Lady cop sa Koronadal City binigyan ng maayos na tulugan ang mag—ina matapos makitang natutulog lamang sila sa upuan sa receiving hall ng police station

KORONADAL CITY – Isang lady cop dito ang patuloy na umaani ng mga papuri mula sa netizens dahil sa ipinakita nitong kabutihan sa isang nanay at maliit pa na anak na habang natutulog sa isang upuan sa receiving hall ng Koronadal City police station noong nakaraang—gabi.

(RASHID RH. BAJO/Photos credit to Koronadal City Police Station)

KORONADAL CITY – Isang lady cop dito ang patuloy na umaani ng mga papuri mula sa netizens dahil sa ipinakita nitong kabutihan sa isang nanay at maliit pa na anak na habang natutulog sa isang upuan sa receiving hall ng Koronadal City police station noong nakaraang—gabi.

Ang nasabing lady cop ay si Corporal Gladys Ann Parreno, miyembro ng Koronadal City Police Station.

Ayon sa report na natanggap ng Diyaryo Milenyo Digital News, ang mag—ina ay ginabi sa kanilang biyahe mula sa Marawi City at pauwi pa sana sila bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Dahil alanganin na sa oras at medyo umaagaw na ang dilim pagdating nila sa siyudad na ito , nagpasya na lamang si Nanay Swelyn Motalib na dumiretso sa police station upang doon na magpahinga at matulog.

Ayon sa kwento ni Corporal Gladys Ann, pagdating nito sa police station, nakita niya ang mag—ina na natutulog sa upuan at dahil sa awa nito, nilapitan niya at ginising sila upang tulungan.

Isinakay niya sila sa patrol car upang hanapan niya ng maayos na matutulugan. Habang papunta sila sa isang “lodge” dumaan sila sang isang convenience store at binilhan ng makakain ang bata upang hindi gutumin.

Halos mapaiyak naman sa tuwa si Nanay Swelyn sa ginawang pagtulog ni Corporal Gladys Ann sa kanila ng kanyang anak. Kinaumagahan, umuwi na ang mag—ina sa bayan ng Columbio.

Ang sinasabing “humanitarian act” na ginawa ni Corporal Gladys Ann ay nakaposte sa Facebook page ng Koronadal City Police Station na “Sccpokoronadalcps” (https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=246527157475614&id=100063549948652)

As of 7:51 PM (September 1, 2021), umani ito ng maraming mga positibong komento mula sa netizens, kung saan lahat sila ay pinuri ang ginawang kabutihan ni Corporal Gladys Ann. Mayroon itong “69 shares” at 339 “likes.”

“Keep up the good work! You are a good person with a good heart. God bless you and your family,” sabi ng netizen na si Rosario Casas.

Inilarawan naman ng netizen na si Khim Ferrer Parcia si Corporal Gladys Ann na “maganda na mabait pa.” #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “GOOD NEWS: Lady cop sa Koronadal City binigyan ng maayos na tulugan ang mag—ina matapos makitang natutulog lamang sila sa upuan sa receiving hall ng police station

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: