ESPESYAL PROVINCIAL Trending Now

Miyembro ng LGBT, siga ng kalye. Pagiging Chief Tanod, ipinagkatiwala

ROSARIO, CAVITE: Brusko, matapang, iniilagan at kinakatakutan.... mga katangiang madalas hinahanap ng isang Kapitan para sa kanyang itatalagang Chief Tanod na magiging katuwang niya sa lahat ng away at gulo sa kanyang barangay na nasasakupan.

[Ni Sid Luna Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Brusko, matapang, iniilagan at kinakatakutan…. mga katangiang madalas hinahanap ng isang Kapitan para sa kanyang itatalagang Chief Tanod na magiging katuwang niya sa lahat ng away at gulo sa kanyang barangay na nasasakupan.

Subalit taliwas ito sa isang barangay sa Rosario, Cavite.

Ang kapitan ng Brgy. Ligtong 3 ay nagtalaga ng isang “chief tanod” ay mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Siya si Erwin Pajarillo, itinalaga bilang Chief Tanod noong Sept. 6, 2020. Taas-noong ipinapakilala ang pagiging myembro niya ng LGBT.

Ipinagkatiwala sa kanya ang katahimikan at kaayusan ng kanyang brgy. Subalit nagtaas-kilay ang ilan dahil sa kanyang pagkatao.

Sinukat ang kanyang kakayahan…. Binatikos at tinawanan. Kinutya at inalipusta. Lahat sila ay nabigo. Tinawanan lang ni Erwin ang mga paratang.

Isang taon na ngayon mula ng iluklok siya, matagumpay niyang nagagampanan ang kanyang trabaho. Ginagalang siya’t nirerespeto. Ang hindi alam ng ilan, bago pa siya maging tanod ay naging Kabataang Barangay siya noong 1992; Sangguniang Kabataan noong 1996; Barangay Health Worker noong 1997, Brgy Kagawad noong 2002 hanggang 2007. Naging Presidente din sya ng Rosario Cavite Parents and Daycare Worker Federation mula 2014 hanggang 2020.

Sa kanyang malawak na karanasan, hindi maikakailang taglay niya ang katangiang hinahanap bilang isang Chief Tanod.

Sobra pa nga kung tutuusin. Hindi naman pala kailangan ang brusko. Basta tanggap ka ng tao anuman ang katayuan mo sa mundo. Ang mahalaga lang ay maging makatao, maka-Diyos, at nirerespeto.

Isa lamang si Erwin sa bukas-librong buhay na tunay na tumatatak sa isip ng tao.

Hahangaan mo siya’t pasasalamatan. Mag-iiwan ng magandang kwento at aspeto. Mabuhay ka, Chief Tanod Erwin Pajarillo! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Miyembro ng LGBT, siga ng kalye. Pagiging Chief Tanod, ipinagkatiwala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: