
Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat i-audit ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Red Cross, isang non-government and non-profit agency, matapos niyang paratangan ang chairman ng nasabing organisasyon at Sen. Richard Gordon ng paggamit nito ng pondo bilang “milking cow.”
Pinaparatangan ni Duterte si Gordon na diumano’y ginamit ang pondo mula sa Red Cross para sa kampanya nito.
“I dare say na ginamit mo talaga ito para sa elections. Ito yung milking cow mo e. You have been there for quite a time. Is it not fair to say na bumitaw ka na to give others a chance para mahinto mo na ‘yung ginagawa mong kalokohan,” saad ni Duterte sa kanyang pre-taped Cabinet briefing.
“Ang pinakamabaho ang nakita ko is, you (Gordon) threatened to stop testing… You stopped testing people so that they will die? Just because you are not paid and the money you have accumulated all these years would run into billions,” ani Duterte.
“Gusto ko talaga makita ang audit talaga ng Red Cross. And maybe I can, I will demand… the executive department will demand that we will furnish copies of your audit taken by COA and COA to give us the copy so that we can review also what you have audited at tignan namin kung tama o hindi,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon naman sa isang post ng COA sa kanilang website, isa sa mga responsibilidad ng kanilang ahensya ay gawin ang, “Examine, audit and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by, or pertaining to, the government.
Ani Duterte, kanilang pag-aaralan ang track record ni Gordon bilang isang public official upang mabatid kung guilty ang senador sa paggamit ng pondo.
“I’m sure we will find something and we believe that you are also guilty of well sabihin mo nang malversation, well tell us. We will be happy to know kung mayroon o wala. Salamat Mr. Gordon,” muling pasaring ng Pangulo. #DM
0 comments on “Duterte, gustong makita ang COA audit report ng Red Cross”