
Grupo ng Insurance workers, nanawagan kay VP Leni na tumakbo para sa pagka-Pangulo

MAHIGIT 1,400 members mula sa 24 life and non-life insurance companies sa iba’t ibang rehiyon sa bansa nananawagan kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo na tumakbo para sa pagka-pangulo sa 2022 Eleksyon.
Sa isang pahayag ngayong Biyernes, sinabi ng “Insurers for Leni”, kinakailangan ng bansa ang ‘values-based leadership’ at ito ang tatak ni Robredo na dapat itong mapanatili at masiguro na hindi mabalewala ang ganitong katangian ng isang lider para sa mas maayos na pamumuhay ng bawat Pilipino.
“We are employees, agents and veterans of the industry coming from all regions of the country bound by our common goal to have Leni Robredo as the next president of the Philippines,” saad ni Anna Blanco, convenor of Insurers for Leni.
Ipinahayag ng mga Insurers for Leni na nais nilang magkaroon ng kahusayan, propesyonalismo, katapatan, integridad, at tunay na pag-aalala para sa mga tao o genuine concern for people para patuloy na matamasa ang tiwala ng publiko at maipamalas nang husto ang kanilang kakayanang maglingkod.
“We believe that leader to be Leni Robredo. To us, she exemplifies the values we need in a leader,” dagdag pa ng grupo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magbigay pahayag ang mga manggagawa sa nasabing industriya mula sa iba’t ibang kompanya sa bansa na nananawagan para sa pagbabago na nararapat sa sambayanang Pilipino.
Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na pahayag si Leni kung sakaling tanggapin nito ang pagtakbo sa darating na halalan 2022. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
VP Sara, viral sa kanyang suot na crop top
Nag-viral ang mga larawan ni Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang pagsuot ng crop top para sa Christmas Party...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
NOGRALES POSITIVE ON ADOPTION OF ILO C190 IN PH
by Ella Luci Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles said he is optimistic that government offices, private businesses, and other...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...