Banner Story NEWS

COA: Walang Overpricing sa Pharmally mask deal

Salungat sa claim ng mga nasa oposisyon na senador, walang overpricing sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagkuha ng mga face masks sa kasagsagan ng pandemya sa bansa noong 2020, ayon sa chairman ng Commission on Audit (COA) kahapon.

Salungat sa claim ng mga nasa oposisyon na senador, walang overpricing sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagkuha ng mga face masks sa kasagsagan ng pandemya sa bansa noong 2020, ayon sa chairman ng Commission on Audit (COA) kahapon.

“There is nowhere in the COA report on DBM that there was overpricing. There’s no statement to that effect, the observations were related more to inventory management than overpricing,” pahayag ni COA Chairman Michael Aguinaldo sa hearing ng House committee on good government.

“So, it’s not right to say that COA discovered there was an overprice, because we never said so in the same report,” paglilinaw muli ni Aguinaldo kay committe chaired Rep. Michael Edgar Aglipay ng Diwa party-list.

Tinutukoy ng COA chief ang pagbili ng mga medical paraphernalia tulad ng PPEs (personal protective equipment) ng Procurement Service ng DBM (PS-DBM), kung saan ginawa sa kahilingan ng Department of Health (DOH).

Sinabi rin ni Aguinaldo na pinapayagan si Pangulong Duterte sa ilalim ng mga ganitong uri ng sitwasyon – kung saan nagkaroon ng health emergency crisis sa bansa upang gawin ang biddings gaya ng nakapaloob din sa ilalim ng Bayanihan 1.

“The President is allowed to order procurement expeditiously. While the government could have done away with that, there has been an effort to put order in the process, by applying rules under the GPPB requirement,” paglilinaw ni Aguinaldo.

Ang GPPB o ang Government Procurement Policy Board, na mandato sa ilalim ng Republic Act 9184.

Nang tanungin kung ang PS-DBM’s deal sa Pharmally Pharmaceutical Corp, ay legal ba, tugon ni Aguinaldo, “As long as it is compliant with GPPB resolution, then it is compliant.”

Sa parehong pagdinig, ang dating PS-DBM director at ngayon ay Overall Deputy Ombudsman na si Warren Lex Liong, sinabi na ang multibillion-peso contracts sa Pharmally Pharmaceutical na kanilang inaprubahan ay batid ito ng lahat ng nakatataas. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “COA: Walang Overpricing sa Pharmally mask deal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: