ESPESYAL Viral Now

Dating OFW sa Japan, pagtitinda ng “Pares-Mami” ang hanap-buhay ngayon

Sa bawat subo ng sabaw ng kanyang tindang "Pares-Mami", aakalain mong kumakain ka sa isang sikat ng kainan. Sa lasa at timpla, garantisadong swak sa panlasa ng masa.

Sa bawat subo ng sabaw ng kanyang tindang “Pares-Mami”, aakalain mong kumakain ka sa isang sikat ng kainan.

Sa lasa at timpla, garantisadong swak sa panlasa ng masa.

Siya si Robert T. Cuello, 40, may asawa at 1 anak. Residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Dating OFW sa Japan. Nang dahil sa pandemya, nahirapan syang makabalik sa abroad.

Dahil dito, naisip niyang magtayo ng isang negosyo na tatangkilikin ng mga tao.

At ang pagtitinda ng pares-mami ang kanyang napiling hanap-buhay. Masasabing nagtagumpay siya sa kanyang napiling negosyo.

Araw-araw, ubos ang kanyang panindang pares. Kumikita siya ng halagang 3 libong piso sa bawat kaldero na mauubos. Dalawang beses bawat araw sya kung magtinda ng pares. Isa sa umaga at isa sa hapon.

Ayon sa kanyang mga suki, may kakaibang sarap ng lasa kasi ang paninda niyang pares. Yung tipong hanggang sa huling patak ng sabaw sa iyong tasa ay nanamnamin at hahanap-hanapin mo.

Isa lamang si Robert sa mga dating OFW na hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa abroad nang dahil sa pandaigdigang suliraning pandemya. Subalit matagumpay na humaharap ngayon sa hirap ng buhay.

Para kay Robert, ang kanyang panindang pares ay mag-iiwan ng hindi malilimutang lasa. Kaya ano pang hinihintay nyo, atin ng dayuhin ang kanyang paninda. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: