COVID-19 PH

Pinas, nakatanggap ng mahigit 600k na AstraZeneca doses ngayong araw

Tumanggap ng mahigit 600,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang Pilipinas ngayong Biyernes, Setyembre 17 sa tulong ng private sector sa pamamagitan ng isang tripartite agreement sa pambansang pamahalaan.

image: GMA News

Tumanggap ng mahigit 600,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang Pilipinas ngayong Biyernes, Setyembre 17 sa tulong ng private sector sa pamamagitan ng isang tripartite agreement sa pambansang pamahalaan.

Malugod na sinalubong naman ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Carlito Galvez, at ni Entrepreneurship Jose Maria “Joey” Concepcion ang pagdating ng mga naturang bakuna sa bansa.

Tumanggap ngayong araw ang bansa ng 661,200 AstraZeneca doses na lumapag sa Terminal 1 sa Ninoy Aquino International Airport kaninang alas 9:25 n.u.

Sinabi naman ni Galvez na 80 porsiyento ng bagong batch ay ipamamahagi sa mga lokal na pamahalaan. Ang natitirang 20 porsiyento ay ilalaan sa pribadong sektor.

Nabanggit ni Concepcion ang tuloy-tuloy na paghahatid ng bakuna kontra COVID-19 ay makatutulong sa mabilis na pag-roll out o fast-track ng gobyerno.

“Malaking bagay ‘yan kasi kailangan buksan na natin ang ekonomiya [….] Maski may breakthrough infections, ‘yung mga bakunado, hindi pumupunta sa ospital,” saad ni Concepcion.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakatatanggap na ng mahigit 58.2 million doses mula sa iba’t ibang vaccine brands. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pinas, nakatanggap ng mahigit 600k na AstraZeneca doses ngayong araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: