Press Release

World Peace Summit, nanawagan para sa Sama-samang Pagkilos para sa Pangmatagalang Kapayapaan sa Panahon ng New Normal

Noong ika-18 ng Setyembre, 2021, tinatayang 30,000 katao mula sa 157 na bansa ang birtwal na dumalo sa ika-7 Anibersaryo ng HWPL World Peace Summit. Sa taong ito ay nakatuon sa pag-unlad ng mga gawaing internasyonal at sa mga plano upang ipalaganap ang adhikain ng kapayapaan sa panahon ng 'new normal'.

Noong ika-18 ng Setyembre, 2021, tinatayang 30,000 katao mula sa 157 na bansa ang birtwal na dumalo sa ika-7 Anibersaryo ng HWPL World Peace Summit. Sa taong ito ay nakatuon sa pag-unlad ng mga gawaing internasyonal at sa mga plano upang ipalaganap ang adhikain ng kapayapaan sa panahon ng ‘new normal’.

Ang nag-organisa nito, ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), ay nagsasagawa ng mga gawaing pangkapayapaan na nakasentro sa mga mamamayan upang maipalaganap ang “kultura ng kapayapaan” sa pangunguna ng United Nations at ng pamayanang internasyonal. Layunin nilang bumuo ng isang kapaligirang may mapayapang pamumuhay simula noong unang World Peace Summit noong 2014.

Inilahad ang mga sama-samang pagkilos para sa pangmatagalang kapayapaan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng internasyonal na batas, relihiyon, edukasyon at midya. Gayundin, tinukoy nito ang internasyonal na kooperasyon upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang krisis na nagbabanta sa pamumuhay at pagkakasundo ng sangkatauhan na umusbong sa panahon ng pandemya.

Ang mga gawaing pangkapayapaan ay pinangunahan ng HWPL upang maitatag ang mga ligal na pundasyon at internasyonal na pamantayan para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga pandaigdigang actor. Pinagsisikapang itaguyod ang internasyonal na batas para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagbuo ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW).

“Ang DPCW Handbook ay nagbibigay-daan sa atin upang sistematikong ituro ang internasyonal na batas at ang diwa ng kapayapaan sa mga mag-aaral at iba pa. Nagbibigay daan din ito upang sila ay maging mga tagapagturo sa susunod na kurso”, sabi ni Dr. Mizanur Rahman, Chief Advisor ng Asian Association of Law Professor (AALP) at ang Dating Tagapangulo ng National Human Rights Commission, Bangladesh (NHRC-BD), nang bigyang-diin niya ang pangangailangang hikayatin ang pampublikong diskurso sa pagtataguyod ng kapayapaan sa akademya.

Bilang karagdagan sa mga pangunahing alituntunin ng kapayapaan na nakatalagang panatilihin ng mga bansa, ang DPCW ay naglahad ng mga prinsipyo na dapat isagawa sa kasalukuyang panahon, tulad ng pagbabawal sa paggamit ng puwersa, pagtataguyod ng kalayaan sa relihiyon, at pakikilahok pagpapalawig ng kultura ng kapayapaan. Partikular na isinasaad nito na ang mga pagsisikap para sa kapayapaan ay nagmumula sa lahat ng mga kasapi ng pandaigdigang lipunan sa pamamagitan ng pagkilala hindi lamang sa mga bansa kundi pati na rin sa mga internasyonal na organisasyong at lahat ng mga mamamayan bilang pangunahing aktor sa pagtaguyod ng kapayapaan.

“Alam natin na magiging mahirap ang pagkamit sa kapayapaan kung hindi tayo lahat magtatrabaho para dito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating hikayatin ang mga bata’t matatanda upang mapigilan ang pang-aabuso at kumilos upang mabawasan ang mga hindi pagkakapantay-pantay at isantabi ang mga pagkakaiba upang makamit ang isang mas pantay, matatag, at mapayapang mundo,” ani ng Dating Pangulo ng Ecuador, Dr. Rosalia Arteaga Serrano.

Sinabi naman ni Hon. Octavia Alfred, Ministro ng Edukasyon, Human Resource Planning, Vocational Training, at National Excellence of Dominica, na natutunan ng mga mag-aaral ang pangangailangan ng sama-samang pamumuhay at kooperasyon sa pamamagitan ng HWPL peace education at ipinapasa nila sa kanilang mga kaibigan, magulang, at guro ang kanilang mga natutunan. Ipinahayag din niya ang mga konsepto na maaaring magpapa-unlad sa psychosocial na kakayahan, tulad ng paggalang sa pagkakaiba-iba, kaayusan, paglutas ng sigalot, at negosasyon, kaya ginagamit ito para sa pagsasanay ng mga guro.

“Ang aming layunin ay wakasan ang mga digmaan sa pandaigdigang pamayanan at maitaguyod ang kapayapaan at gawin itong permanenteng pamana para sa mga susunod na henerasyon. Kung walang kapayapaan, lahat ng ating nasimulang buuin ay mawawasak… Hindi dapat natin hayaang mangyari ito. Kaya, upang makamit ang kapayapaan, hindi ba dapat nating makamit ang ating layunin nang may iisang diwa?” sinabi ni Chairman Man Hee Lee ng HWPL sa kanyang talumpati. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “World Peace Summit, nanawagan para sa Sama-samang Pagkilos para sa Pangmatagalang Kapayapaan sa Panahon ng New Normal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: