[Ni Sid Luna Samaniego]

Ang “Binangkal” ay tinapay na ipiniprito sa mantika. Mas kilala ito sa parteng Kabisayaan. Paborito itong meryenda katerno ng mainit na kape. Kung titingnan, para itong buchi. Medyo crispy ang panlabas na anyo nito pero super lambot naman ang parteng loob nito. At talaga namang mapapa-wow ka sa sarap.
Siya si Jeffrey Soriano, 34 anyos, may asawa, 4 anak. Proud tindero ng masarap na binangkal.
Halos 5 taon na siyang nagtitinda ng binangkal. Araw-araw laman siya ng kalye ng bayan ng Rosario. Bitbit ang basket na may lamang binangkal, madaling-araw pa lamang ay nilalako niya na ito sa pandawan.

Paborito daw ito ng mga mangingisda. Ang iba nga sa kanila ay bumibili ng marami para ibaon sa paglaot sa dagat. Sa halagang 10 piso matitikman mo ang masarap na binangkal.
Si Jeffrey ay tubong Pangasinan, subalit dito sa Cavite niya natagpuan ang marangal na hanap-buhay.
“Sipag at tiyaga lamang ang puhunan sa pagtitinda ng binangkal. Araw-araw may 700 piso ako. Nabibili ko ng pagkain ang mag-iina ko”, pagmamalaki ni Jeffrey. #DM
0 comments on “Binangkal kayo riyan!”