
Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa posibilidad na maging susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas para sa nasyunal na halalan 2022, base sa inilabas na September 2021 Ulat ng Bayan National Survey ng Pulse Asia Research Inc.
“If the May 2022 elections took place during the survey period, Davao City Mayor Sara Duterte would score a plurality win with the backing of 20 percent of the country’s adult population,” saad ng Pulse Asia sa kanilang inilabas na statement.
Kahit na sinabi na ni Sara na hindi siya tatakbo sa halalan 2022 sa pagka-Pangulo, patuloy itong nangunguna sa listahan ng mga presidential bet.
Sinundan naman ito ni dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos Jr,. na may 15 porsiyento. Maging si Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso na may 13 porsyento at si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao na may 12 porsiyento.
Sa ngayon, wala pa ring proklamasyon si Marcos kung siya nga ba ay tatakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022 na inindorso ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), isang political party na pinamunuan ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos at ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP). #DM
0 comments on “Sara, BongBong nangunguna pa rin sa Presidential Survey”