Photo News PROVINCIAL

Cong. Dinand Hernandez nag–turn–over ng 37 proyekto na nagkakahalaga ng P109.1–Milyones sa Tboli, Lake Sebu, Banga, Tantangan, Koronadal City noong buwan ng Agosto

KORONADAL CITY, Philippines –– Noong nakaraang buwan ng Agosto, umabot sa 37 ang bilang ng mga proyekto na nagkakahalaga ng mahigit sa P109–Milyones ang na–turn–over ni Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand Ledesma Hernandez sa mga bayan ng T’boli, Lake Sebu, Banga, Tantangan at Koronadal City.

[by RASHID RH. BAJO/Photo credit to Dinand Ledesma Hernandez]

Isa lamang ang open gymnasium sa maraming mga proyekto na ipinatayo ni Deputy Speaker/South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa ibat-ibang mga bahagi ng Upper Valley area ng probinsya ng South Cotabato. (RASHID Rh. BAJO/Photo credit to Ferdinand Ledesma Hernandez Facebook account)

KORONADAL CITY, Philippines –– Noong nakaraang buwan ng Agosto, umabot sa 37 ang bilang ng mga proyekto na nagkakahalaga ng mahigit sa P109–Milyones ang na–turn–over ni Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand Ledesma Hernandez sa mga bayan ng T’boli, Lake Sebu, Banga, Tantangan at Koronadal City.

Ang nasabing mga proyekto ay binubuo ng gymnasiums, mini–gymnasiums, barangay halls, water systems, irrigations, senior citizen buildings, satellite market, tribal building, stages, bleachers at road concreting.

Naging posible at naipatupad ang nasabing mga proyekto dahil sa sipag, pagsisikap at inisyatibo ni Rep. Hernandez, kung saan mas kilala ito sa bansag na “DINAND” sa boung probinsya.

Ayon sa report na natanggap ng SAPOL, pagkatapos ng kanyang mga trabaho sa House of the Representatives sa Manila, umuuwi kaagad si Rep. Hernandez sa kanyang distrito para personal mabisita at masuri ang kanyang “initiated–projects” sa ibat–ibang mga bahagi ng Upper Valley area ng probinsya para maseguro ang “proper implementation” nito.

At pag tapos na ang nasabing mga proyekto, kaagad nitong pangungunahan ang “turn–over ceremony” para magamit na kaagad ng mga benepisaryo.

Sa kanyang official na Facebook account, https://www.facebook.com/CongDinandHernandez, masayang ibinalita (at inanunsyo) ni Rep. Hernandez ang 37 na mga proyekto na turn–over nito, mula Agosto 2 hanggang 19) sa nasabing mga bayan at sa siyudad na ito.

Sa bayan ng Tantangan, noong nakaraang August 19, 2021, na turn–over ni Rep. Hernandez ang dalawa (2) na barangay hall na nagkakahalaga ng P4.7–M (P1.5–M+P3.2–M), water system (P1.5–M), senior citizen building (P1.5–M), gymnasium (P2.5–M), mini–gymnasium (P1.7–M), gymnasium with stage (P1.5–M), gymnasium with bleachers (P1–M) and stage and bleacher (P1.5–M).      

Libo–libong mga residente sa Barangays San Felipe, Tingongcop, New Cuyapo, Dumadalig, New Lambunao, Cabuling at Libas ng nasabing bayan ang makakabenepisyo sa nasabing mga proyekto.

Sa Koronadal City naman, umabot sa pito (7) na mga proyekto na nagkakahalaga ng P26–M ang na turn–over rin ni Rep. Hernandez.

Ang nasabing mga proyekto ay ang apat (4) na mini–gymnasiums (P1.5–M+P1.8–M+P1.8–M+P1.7–M+P1.7–M), open gymnasium with bleachers (P2.5–M) at road concreting na pinondohan ng P15–M.

Sa 37 na bilang ng nasabing mga proyekto, labing–apat (14) ay naipatupad sa bayan ng Banga.

Noong nakaraang Agosto 11 at 24, 2021, pinangunahan ni Rep. Hernandez ang simpleng turn–over ceremony ng tatlo (3) na barangay halls (P1.8–M+P1–M+P1.3–M), gymnasium with bleachers, new roofing and flooring (P2–M), three (3) mini–gymnasiums (P1.6–M+P1.8–M+1.6), satellite market (P1.5–M), gymnasium with bleacher (P1.5–M), bleachers (P2–M), completed repair of barangay hall (P1.5–M) and gymnasium (P1.3–M).

Noong Agosto 6, 2021, sa bayan ng Lake Sebu, nag turn–over din ito ng lima (5) na mga proyekto na nagkakahalaga ng P44–M at sinasabing malaki ang maibibigay nito na serbisyo sa mga residente na nakatira sa “far–flung barangays” at sa mga magsasaka doon.

Ang na–turn–over na nitong mga proyekto ay ang tatlo (3) na small irrigation projects (P10–M+P15–M+P15–M). Makikita ang nasabing mga proyekto sa Sitio Seven Lakes at Tinugas ng Barangay Ned. Sinasabi na pwede nitong mabigyan ng tubig ang 66–ektarya na mga lupa doon.

Ang dalawa (2) pang iba na mga proyekto na naipatupad nito sa Lake Sebu ay ang gymnasium with bleachers (P1.5–M) at gymnasium (P2.5–M).

Sa bayan naman ng T’boli, sinabi ni Rep. Hernandez na nag–turn–over din ito ng newly repaired and completed gymnasium (P1.8–M) na proyekto sa Barangay New Dumangas at P2.5–M na halaga ng water system sa Barangay Maan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Cong. Dinand Hernandez nag–turn–over ng 37 proyekto na nagkakahalaga ng P109.1–Milyones sa Tboli, Lake Sebu, Banga, Tantangan, Koronadal City noong buwan ng Agosto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: