[Ni Ella Luci]

Sisimulan na ang konstruksyon ng matagal nating pinagsikapang Rizal-Bulacan Interprovincial Road na magdurugtong sa Bayan ng Montalban, Rizal at San Jose del Monte Bulacan.
Kapag natapos na ang kalsada, aabot na lang ng hanggang 45 minuto ang biyahe mula Montalban hanggang San Jose del Monte.

Sa kasalukuyan, kailangan pang dumaan ng mga motorista sa Fairview Quezon City para makarating sa San Jose del Monte Bulacan, na umaabot ng mahigit dalawang oras. Lubos na makakatulong ito sa pagbibigay ng mabilis at maluwang na biyahe sa ating mga motorista.
Pinapasalamatan natin si Pangulong Duterte at ang DPWH para sa proyekto na ito. #DM
0 comments on “Rizal-Bulacan Interprovincial Road, Sisimulan na”