NATIONAL PULITIKA

“I will be a working Vice President” – Bong Go, sa pagtakbo bilang Bise Presidente sa Halalan 2022

Ito ang mariing pangako ni Sen. Christopher "Bong" Go nitong Sabado [Oktubre 2, 2022], kasunod ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) bilang bise-presidente sa Halalan 2022.

“I will be a working vice president.”

Ito ang mariing pangako ni Sen. Christopher “Bong” Go nitong Sabado [Oktubre 2, 2022], kasunod ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) bilang bise-presidente sa Halalan 2022.

Ito’y kasunod ng pag-atras ni Pangulong Duterte sa nominasyon sa kanya bilang bise-presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa tiket ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Aniya, inisyal na inendorso si Go bilang standard-bearer ngunit wala raw itong interes sa pagtakbo bilang Pangulo. At hindi raw niya inaasahan na siya ang mapipisil bilang kanilang nomidado sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

“Given that President Rodrigo Duterte decided to withdraw his acceptance of nomination, I am here to take on the challenge as the PDP[-Laban]’s vice presidential candidate,” saad ni Go na sinamahan ni Duterte sa kanyang talumpati sa Sofitel Harbor Garden.

“Napagdesisyonan kong tumakbo bilang bise president sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programa at tunay na pagbabagong naumpisahan ni Pangulong Duterte. At sisikapn nating dagdagan pa ang mga ito,” dagdag ni Go.

“Kung ako po’y papalarin at bibigyan ng pagkakataon, I will be a working vice president,” ani Go.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang PDP-Laban ukol sa pagbabago ng kanilang candidate lineup.

Matatandan na madalas ikubli ni Go ang sarili sa mga tanong kaugnay ng kanyang political plans at paulit-ulit na sinasabing magpopokus muna siya sa kanyang trabaho bilang senador partikular ang pagtulong sa gobyerno sa mga hakbang ukol sa nagpapatuloy na pandemya sa bansa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““I will be a working Vice President” – Bong Go, sa pagtakbo bilang Bise Presidente sa Halalan 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: