Millennialista OPINION Tinig ni Rex Molines

PULITIKO MARKADO 2022

Kaliwa't kanan na ang pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) para sa nasyunal at lokal na halalan 2022 sa bansa. Hindi na rin maiiwasan ang pagsulputan nang mga nagnanais o nagnanasang umupo sa napiling posisyon sa kanilang kandidatura sa bansa.

Kaliwa’t kanan na ang pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) para sa nasyunal at lokal na halalan 2022 sa bansa. Hindi na rin maiiwasan ang pagsulputan nang mga nagnanais o nagnanasang umupo sa napiling posisyon sa kanilang kandidatura sa bansa.

Sa mga nagdaang buwan, tila tayo ay inililihis ng mga politikong ito sa kanilang mga plano bago pa humantong sa huling araw ng paghahain ng kanilang kandidatura sa darating na Oktubre 8, 2021. Higit sa nasyunal na posisyon kung saan ikinukubli nang mga pulitiko markadong ito ang kanilang “hidden agenda” o ang kanilang “motibo” para hindi mabisto kung paano nga ba ang tirada nila sa labang mapaghamon ngayon nagpapatuloy ang pandemya sa bansa.

Magkakatalo ang lahat sa mga nagawa nila sa bayan, pinakamalaking posibilidad ay ang masilip ang mga nagawang hakbangin sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. Magbabanggaan ang mga kandidato kung ano nga ba ang mga “bahong lihim” ang ikinukubli ng bawat isa? Mas magiging maanghang pa ang samu’t saring isyu sa gobyerno sa bawat ahensya nito. Dito rin magiging mas hayok ang mga pulitiko na hindi basta-basta tumatanggap ng pagkatalo. Dito natin makikita kung sino nga ba ang may sinasabi, kung sino ang nag-iingay lang at sino ang tunay na walang pakialam sa bayan?

Napakahalaga nang gampanin natin bilang bahagi ng ating lipunan at sa panahon ng pandemya kung sino nga ba ang karapat-dapat na magpatuloy sa magaganda at tuloy-tuloy na pagbabago sa ating bansa. Dito natin dapat markahan ang mga politiko na hindi lamang nagmamahal sa bayan, hindi lamang ang Diyos ang laging sinasanggalang, hindi lamang sa kung sino ang matapang, hindi lamang kung sino ang sikat, hindi ang kung sino lang ang ating binibigyang importansya, hindi lamang kung sino ang maraming alam at may napatunayan na, bagkus kung sino at ano nga ba ang tunay nating kinahinatnan bunsod ng mapaghamong pamumuhay sa kasalukuyan.

Sana maging mapanuri pa tayo sa ating pinupusuan na politiko. Mahalaga pa rin ang may paninindigan, may prinsipyo, mapagmahal sa kapwa, marunong makinig at tumugon sa kung ano ang kailangan at nararapat para sa lahat, kailangan may takot sa Diyos at may pagpapahalaga sa buhay at hanapbuhay, higit sa lahat may magandang hangaring maglingkod sa taumbayan sa pamamagitan ng kanyang pagiging totoo sa mata ng lipunan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “PULITIKO MARKADO 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: