Robredo, tatakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022
Isang “sentimental journey” umano kay Vice President Leni Robredo ang naging biyahe kamakailan sa Camarines Sur na naging dahilan nang pagpapasya niya sa pagtakbo sa Halalan 2022, ayon sa isang convenor ng opposition coalition 1Sambayan.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sinabi ni Bro. Armin Luistro, isa sa 1sambayan convenors na maghahain si Robredo ng kanyang kandidatura bilang Pangulo bago mag-Oktubre 8.
“Palagay ko kung gagawa ka ng isang mahalagang desisyon sa buhay mo babalik at babalik ka sa iyong pinag-ugatan,” saad ni Luistro sa isang panayam sa Teleradyo.
Nitong Setyembre 30, nagtungo ng Camarines Sur si Robredo, parehong araw nang inanunsyo ng 1Sambayan si Robredo bilang kanilang standard-bearer sa 2022 Eleksyon.
Hinihintay pa ng 1Sambayan ang pagtanggap ni Robredo sa nominasyon para sa kanyang pagtakbo sa nasabing posisyon.
Namataan din ang Bise President na bumisita sa imahen ng Sto. Entierro sa Calabanga, Camarines Sur.
Samantala, si Trillanes naman ang top choice ng 1Sambayan sa ginanap na internal survey nito. #DM
You must be logged in to post a comment.