
14 na Lugar, isinailalim sa Signal No. 1 dulot ng bagyong Lannie

Isinailalim sa signal no. 1 ang mahigit 14 na lugar dulot ng Tropical Depression Lannie na tumama sa Guihulngan, Negros Oriental, ayon sa PAGASA ngayong Lunes.
Sa inilabas na weather bulletin kaninang alas 5:00 n.h, ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Lannie ay namataan sa Guihulngan, Negros Oriental kaninang alas 4:00 n.h na may maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa gitna, na may pagbugso na 55 kph, at central pressure na 1002 hPa. Kumikilos ito nang pa-westward sa bilis na 25 kph.
Narito ang ilang mga impormasyon ukol sa TCWS No. 1 mula sa PAGASA:
- the southern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
- the southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
- the southern portion of Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
- the southern portion of Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
- the northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands
- Capiz
- Aklan
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Negros Occidental
- the northern and central portions of Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City
- Cebu
- Bohol
Sinabi ng PAGASA na mula ngayong Lunes hanggang Martes ng umaga, moderate to heavy rains ang mararanasan sa Kanlurang Kabisayaan at MIMAROPA, samantalang light to moderate, mararanasan din ang malakas na buhos ng ulan sa CALABARZON, Bicol Region, at Mindanao. #DM