COVID-19 PH NEWS

Mahigit 46-M doses na ang nabakunahan sa bansa; Kabataan susunod na – NTF

Umabot na sa kabuuang bilang na 46,251,087 doses ng COVID-19 vaccines ang nabakunahan sa bansa hanggang nitong Oktubre 2, [Linggo] mula sa datos ng National Vaccination Operations Center, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Umabot na sa kabuuang bilang na 46,251,087 doses ng COVID-19 vaccines ang nabakunahan sa bansa hanggang nitong Oktubre 2, [Linggo] mula sa datos ng National Vaccination Operations Center, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sa nasabing bilang, 24,513,343 dito ay ang first doses habang 21,737,744 naman ang nakatanggap ng ikalawang doses.

Sinabi ni NTF Against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr., na ang gobyerno ay kumpiyansa na maari nang magbigay ng bakuna sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 dahil sa mataas na suplay ng bakuna sa bansa na dumarating.

“Meron na tayong enough supply for the pilot implementation. ‘Yung pilot rollout naman natin initially ay sa Metro Manila muna. Kayang kaya ‘yun,” saad ni Galvez.

“We want to open up our schools, and by vaccinating our children, we can sustain that,” dagdag pa niya.

Sa pagtatala, ang kabuuang suplay ng bakuna sa bansa ay umabot na sa 77,410,640 doses hanggang nitong Linggo [Oktubre 2, 2021] matapos na mag-donate ang Pfizer ng 1,813,500 doses mula sa US government sa pamamagitan ng COVAX facility na dumating sa magkaperahong araw.

Gagamitin ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines sa mga kabataan na mayroong pahintulot o emergency use authorization sa nabanggit na mga edad base sa Food and Drug Administration. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mahigit 46-M doses na ang nabakunahan sa bansa; Kabataan susunod na – NTF

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: