
Pormal nang inanunsyo ang pagtakbo sa panguluhan ni dating senador at anak ng diktador ang intensyong masungkit ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno ng Pilipinas ngayong araw, Martes [Oktubre 5, 2021].
Tatakbo sa panguluhang pwesto si dating Sen. Ferdinand “BongBong” Marcos Jr., na handa na niyang harapin ang hamon ng bayan sa nalalapit na Eleksyon 2022, na kanyang inanunsyo sa isang Facebook live ngayong araw mismo.
Matatandaan na tumakbo si Marcos sa pagka-bise presidente noong 2016 ngunit naungusan siya ni Bise Presidente Leni Robredo sa magkaparehong posisyon. At ngayon, tila magkakasagupaan pa rin ang dalawang politiko na mainit na pinag-uusapan ngayon sa magkaparehong posisyon kung sakaling tumakbo si Leni sa panguluhang posisyon na inendorso ng 1Sambayan coalition bilang kanilang standard-bearer sa 2022 Eleksyon. #DM
0 comments on “Bongbong Marcos, tatakbo na sa panguluhang pwesto sa 2022”