
Floor Manager ng isang KTV Bar sa Pasay, arestado!
Ni-raid nang kapulisan ang itinimbre na isang bar sa Pasay City na lumabag sa COVID-19 protocols bago magbukang-liwayway nitong Lunes, Oktubre 04, 2021.

Arestado si Michael Relampago, floor manager ng Galaxy KTV Bar sa Macapagal Boulevard na nilabag ang Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and health Events of Public Health Concern Act.
Limang iba pang mga empleyado ng bar ay nadakip din at ang paglabag sa curfew ordinance. Kinilala ang mga hinuling empleyado na sina Elren Pusing, 32; Mark Anthony Cerbito, 27; Joel Caalim, 26; Jerry Quartero Jr., 28, at Arjay Glen Rebulas, 33.
Pinangunahan ni Pasay police intelligence section Maj. Jerry Sunga ang pag-raid sa naturang bar ganap na alas 2:30 ng madaling araw.
Batay sa IATF guidelines, ang mga bar, nightclub at iba pang mga establisimiyento na relatable sa mga nabanggit ay hindi pa pinahihintulutan na mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine Alert Level 4. #DM