
Nagbitiw na bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec. Mark Villar na kanyang inanunsyo nitong Lunes [Oktubre 4, 2021] para bigyang-daan ang pagtakbo nito sa pulitika.
“Today’s my last day after five years. I officially filed my resignation effective Wednesday, so I’ll be stepping down on Wednesday as your secretary,” saad ni Villar.
Kasama si Villar sa senatorial ticket ng Administrasyon, na inanunsyo sa pamamagitan ng kanilang virtual flag raising ceremony na ipinoste sa official Facebook page ng ahensya.
Hindi naman binanggit ni Villar ang dahilan ng kanyang pag-resigned, ngunit siya ay kabilang sa Cabinet Secretaries na kasama sa inisyal na listahan ng senatorial candidates ng PDP-Laban.
Sa pagtatalaga kay Villar bilang Kalihim ng ahensya at representative ng Las Piñas, aniya hindi raw niya pahihintulutan ang negosyo ng kanilang pamilya para lamang makinabang sa anumang proyekto na kanyang nagampanan.
Sa kanyang pamamaalam, ipinahayag ng nakababatang Villar ang kanyang pasasalamat sa workforce ng ahensiya para sa kanilang mga pagsisikap sa ambisyon ng administrasyon na bumuo ng programa ng imprastraktura, ang “Build Build Build.”
“Kayo siguro ang tingin niyo sakin rich kid… After these five years, I feel very rich because of all the friendships that I’ve made in this department, kaya mayaman na mayaman na ako dahil sa inyong lahat,” he said.
Samantala, ang ama ni Mark Villar na si dating Senador Manuel “Manny” Villar, kilala bilang property tycoon, ay nananatiling pinakamayamang Pilipino ayon sa Forbes’ Billionaires 2021 list, na may net worth na $7.2 billion. #DM
0 comments on “Mark Villar, nagbitiw na bilang Kalihim ng DPWH para bigyang-daan ang Eleksyon 2022”