NATIONAL PULITIKA

Sara, hindi tatakbo sa Panguluhang posisyon sa 2022

Ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang plano na tatapusin muna nito ang kanyang huling termino bilang Alkalde ng Davao City bago siya tumakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

image: Sara Duterte’s official Facebook account

Ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang plano na tatapusin muna nito ang kanyang huling termino bilang Alkalde ng Davao City bago siya tumakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Sa ipinoste ng Alkalde sa kanyang Facebook account, masakit para sa kanya ang desiyon na ito sakabila ng mga panawagan ng kanyang mga supporter.

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo,” saad ng Alkalde.

Nito lamang nakaraang buwan, nangunguna sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa Panguluhang posisyon si Sara Duterte para sa Eleksyon 2022, bagama’t inanunsyo na ni Sara na wala siyang plano na tumakbo para sa panguluhang pwesto.

Matatandaan din, nitong Sabado [Oktubre 2], ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magreretiro na siya sa pulitika, matapos na mag-sumite ng kandidatura si Sen. Bong Go bilang bise-presidente para sa Eleksyon 2022. Aniya, tatakbo raw ang kanyang anak sa pinakamataas na posisyon na magiging ka-tandem sana ni Bong Go.

Samantala, ang nag-file ng certificate of candidacy (COC) si Mayor Sara Duterte para sa pagtakbo muli bilang Mayora ng Davao City at hindi ang pagtakbo sa panguluhang posisyon ng bansa.

“Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay,” ani Sara. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sara, hindi tatakbo sa Panguluhang posisyon sa 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: