Community News ESPESYAL

Teenager PROUD tindera ng Banana Cue

"Hindi ko kinakahiya ang paglalako ng banana-q. I'm proud to be a banana cue vendor," sambit ng isang grade-8 student na si Stephanie Legaspi. Estudyante si Stephanie sa Rosario National High School, 13 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sapa 4, Rosario, Cavite.

[Ni Sid Luna Samaniego]

“Hindi ko kinakahiya ang paglalako ng banana cue. I’m proud to be a banana cue vendor,” sambit ng isang grade-8 student na si Stephanie Legaspi.

Estudyante si Stephanie sa Rosario National High School, 13 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sapa 4, Rosario, Cavite.

Namulat sa kahirapan ng buhay si Stephanie. Kaya ganun na lang ang kanyang pagsusumikap na mag-aral upang makapagtapos hanggang kolehiyo.

Isang banana cue vendor din ang kanyang mga magulang. Sa paraang ito binubuhay ng kanyang magulang silang tatlong (3) magkakapatid. Panganay sa magkakapatid si Stephanie. Kaya naman namulat siya sa tunay na kalagayan ng kanilang buhay.

Gamit ang lumang bilao, nilalako ni Stephanie ang banana cue na luto ng kanyang magulang;

Sumisigaw…. Humihiyaw… “Banana-Q po…Bili na po kayo…”, matinig na boses buhat sa isang teenager, ang maririnig sa tuwing siya ay mag-iikot upang magbenta ng kayang tindang banana cue.

Kumikita si Stephanie ng halagang 200 sa maghapon niyang paglalako. Malaking bagay na para magamit niya sa kanyang pag-aaral. Tulad ng load sa internet at mga proyektong kinakailangan sa eskwelahan.

Wala namang kasiyahan na hindi nagmumula sa hirap. Ang tagumpay ay hindi minamadali. Para kay Stephanie, huwag mong sukuan ang iyong minimithing pangarap at ito ay makakamit mo rin balang araw. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Teenager PROUD tindera ng Banana Cue

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: