PROVINCIAL PULITIKA

Beauty queen-turned-public servant nag-file na ng kanyang COC para mayor ng Koronadal City

KORONADAL CITY, Philippines --- Pormal na inanunsyo ngayong-araw City Councilor Maylene Bascon-De Guzman na opisyal na ang kanyang pagtakbo bilang city mayor ng siyudad, kung saan kinokonsidera ng karamihan na isang malinaw na akto na tinatanggap na nito ang mga paghikayat at mga suporta ng mga Koronadalenyo...

[RASHID RH. BAJO/Photo credit to Maylene Bascon-De Guzman]

KORONADAL CITY, Philippines — Pormal na inanunsyo ngayong-araw City Councilor Maylene Bascon-De Guzman na opisyal na ang kanyang pagtakbo bilang city mayor ng siyudad, kung saan kinokonsidera ng karamihan na isang malinaw na akto na tinatanggap na nito ang mga paghikayat at mga suporta ng mga Koronadalenyos na naniniwala sa kanyang integridad, kredibilidad, sinseridad, determinasyon, liderato at kakayahan bilang isang babae na pamahalaan ang siyudad sa ilalim ng epektibo at transparensiya na liderato at dalhin ito patungo sa tahimik at mas progresibong-estado.

Kaninang-umaga, naghain si City  Councilor Maylene Bascon-De Gusman ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa tanggapan ng COMELEC dito.
Sa ipinadala nitong larawan sa The Mindanao Voices, makikita ito na masayang ipinakita nito sa mga Koronadalwnos ang kanyang COC mula sa City COMELEC office.

Kasabay nitong naghain rin ng kanilang mga COCs sina Edwin Abris na kanyang running mate at lahat na mga konsehales nito na tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

SINO BA SI MAYLENE BASCON?

Ayon sa report ng Radyo Rapido FM station na nakabase sa siyudad na ito, kilala si Maylene Bascon na isang konsehal ng siyudad na mabait, simple, humble, madaling hingian ng tulong at pwedeng lapitan kahit saan.
Kilala rin si Maylene Bascon na isang konsehal na umaakyat sa bundok at tumatawid ng mga ilog upang personal na makita, makausap at malaman ang mga hinaing ng mga Koronadalenyos  na nakatira sa malalayong mga bahagi ng siyudad.

Ayon sa report na natanggap ng The Mindanao Voices, si Maylene Bascon ay galing sa mahirap na pamilya at natapos nito ang kanyang pag-aaral dahil sa pagiging working student habang nag-aaral sa kolehiyo.

“Sa ila mag-ulutod ang tatay ko iya ang pigado. Amo na nga nagpanikasog ako nga maka-eskwela kay nakabalo ako nga ang pag-eskwela ang pamaagi nga makalingkawas ang amon pamilya sa kapigadohon. Grabe ang paningkamot ko para ma-realisar ang handum ko nga mauswag nga pangabuhi para sa pamilya namon,” sabi ni Maylene Bascon. (Sa kanilang magkakapatid ang tatay ko ang mahirap. Yan ang dahila. kung bakit nagsikap ako na makapag-aral at naniniwala ako na makapagtapos sa pag-aaral lamang ang paraan para makaahin sa hirap ang pamilya namin. Ginawa ko ang lahat para makamit ko ang pinapangarap ko na maayos na pamumuhay para sa pamilya ko).

Hanggang ngayon, sinabi ni Konsehal Maylene Bascon na mula noon hanggang ngayon siya pa rin ang “bread winner” ng kanilang pamilya.
Dahil sa ipinakita nitong talino at determinasyon na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo, ainuportahan siya ng kanyang tiyo na si former Mayor Fernando “Nanding” Miguel.

Bata pa lang ito ay kinakitaan na ng liderato. Mula elementarya hangang kolehiyo naging student leader na ito, Isang kapasidad na hindi nito inaakala na makikita ng mga Koronadalenyos.Noong 2019 polls, tumakbo ito na konsehal ng siyudad at nanalo. Nakakuha ito ng mahigit 36,000 na mga boto.

Dahil sa angkin nitong kagandahan, nasungkit nito ang isa sa mga korona ng Lakambini ng Koronadal.

Siya ay pinsan ni City Vice Mayor Dr. Peter Bascon Miguel kung saan tumatakbo ngayon bilang kongresista ng segundo distrito ng South Cotabato. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Beauty queen-turned-public servant nag-file na ng kanyang COC para mayor ng Koronadal City

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: