[by Athena Yap]

Inggit abot langit ang nadama ng kalalakihan at kababaihan nang kumalat sa social media ang video kung saan makikitang todo haplos si Marco Gumabao sa legs ni Ivana Alawi habang nagkakasiyahan sa isang party.
Pero dahil sa video na iyon, umusok ang espekulasyon kung may tinatago bang relasyon sina Marco at Ivana.
Ngunit naisahan lang pala ng video uploader ang mga netizen dahil kung mapapansin ay maiksi pa ang buhok ni Ivana sa video na kumakalat kasama si Marco at ang naturang video raw ay pre-pandemic pa kung saan malaya pa ang lahat pumarty.
Sa naganap na press conference ng “Di Na Muli” kamakailan, sa tanong kung inspired ba ngayon si Marco ay “Lagi naman akong inspired. Yes, I’m inspired” ang sagot ng aktor.
Samantala, para sa mga netizen ay maaaring nagdi-deny lang ang kampo ni Marco. Ilang beses na raw kasi na-link si Marco kay Ivana ayon sa mga netizen. #DM
Pingback: Marco Gumabao, Ivana Alawi may tinatagong relasyon? – SHOPPEX NIGERIA