UP LIKAS itatampok ang ika-30 na Pambansang Kumperensiya ng Mga Mag-aaral ng Kasaysayan

Read Time:57 Second

Sa pagpapatuloy ng layunin ng UP LIKAS na ipalaganap ang isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan, at ipaabot ito sa sambayanan, itinatampok nito ngayong taon ang ika-30 Pambansang Kumperensiya na pinamagatang “Pindolangan: Kabuhayan, Kalakalan, Ekonomiya sa Kasaysayang Pilipino”. Gaganapin ito sa Oktubre 23, Oktubre 30, at Nobyembre 6, na libreng mapapanood sa pamamagitan ng Zoom o Facebook Live via Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS.

Tatalakayin sa kumperensiya ang masalimuot ngunit makulay na kasaysayan ng Pilipinas, mula sa prekolonyal na lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon, sa pangunguna ng mga iskolar at dalubhasa sa kasaysayang pang-ekonomiya ng ating bansa.

Sa kabila ng new normal, ipinagpapatuloy ng UP LIKAS ang pagsusulong ng isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan. Makasaysayan ang kumperensiya sa taong ito dahil sa unang pagkakataon ay isasagawa ito online at LIBRE ANG REGISTRATION.

Upang makadalo sa gaganaping kumperensiya, mangyaring magpatala sa link na ito: tinyurl.com/PindolanganRegistrationForm

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, bisitahin at i-follow ang Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS o mag-email sa uplikas@gmail.com.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Jake Cuenca hinabol ng pulis, arestado
Next post 3 Suspek na pagbebenta ng Overpriced at Unregistered na COVID-19 meds, arestado
%d bloggers like this: