[by RASHID RH. BAJO]

KORONADAL CITY, Philippines–– Laking–gulat ng isang may sakit sa bayan ng T’boli sa probinsya ng South Cotabato ng bumulaga sa kanyang harapan si Dok Peter Bascon Miguel, kung saan tinagurian na “Doktor ng Pamilya, Doktor ng Masa” para suriin ang kalagayan nito.
Ayon sa kwento ni “Dok Peter” sa kanyang opisyal ng FB (Facebook) account, mga pasado alas–syete (7 PM) ng gabi, nakatanggap ito ng impormasyon mula sa isang “concerned citizen” na may isang lalaki na maysakit ang nangangailangan ng serbisyo–medical.
“Habang ako ay nasa T’boli, napabatid sa akin ng isang concerned citizen na meron siyang kakilala na nangangailangan ng agarang serbisyo medical, kaya agad natin itong nirespondehan kahit pasado alas-syete (7pm) na ng gabi,” sabi ni Dok Peter naging “mayor” at “city vice mayor” ng Koronadal City ilang mga termino.
Ayon sa report, naghain ito ng kanyang “certificate of candidacy” (COC) para “representante” ng 2nd District ng probinsya.
Ang katunggali nito sa nasabing posisyon ay si Inday Daisy Avance, kung saan naging gobernadora at naging representante (ng nasabing distrito) ng ilang mga termino.
Ayon kay Dok Peter, na–eksamen na nito ang nasabing maysakit at binigyan nito ng reseta.
“Hinatiran din ito ng libreng gamot upang pansamantala munang maibsan ang kanyang nararamdaman habang hinihintay pa natin ang resulta ng laboratories nito,” sabi ni Dok Peter.
Pinasalamatan ni Dok Peter ang “concerned citizen” sa pagbibigay–alam nito sa kanya sa kalagayan ng nasabing maysakit.
“Maraming salamat sa mga concerned citizen na ating kaakibat sa pagbibigay ng serbisyo,” giit ni Dok Peter.
0 comments on “Doktor na kandidato sa pagka–kongresista sa South Cotabato nagsusuri ng maysakit kahit gabi na”