NEWS AND TRENDS PULITIKA

40% tiyansang pagtakbo ni Sara sa 2022

MANILA, Philippines -- Sinusubok pa rin nang pagkakataon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para tumakbo sa panguluhang pwesto sa darating na Halalan 2022 sakabila nang mga pag-uudyok at kagustuhan ng mga supporter ng Alkalde, ayon kay Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

MANILA, Philippines — Sinusubok pa rin nang pagkakataon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para tumakbo sa panguluhang pwesto sa darating na Halalan 2022 sakabila nang mga pag-uudyok at kagustuhan ng mga supporter ng Alkalde, ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

“As of now, it is 60-40 – 60 percent she’s not running, 40 percent she’s running,” saad ni Dela Rosa, standard-bearer ng PDP-Laban faction headed by President Duterte sa isang panayam ng Cignal TV.

“But for 40 percent (that’s) not a slim (chance), 40 is still big,” dagdag pa ng Senador.

Ayon pa kay Dela Rosa, wala pang final decision si Sara patungkol sa usaping ito hanggang sa huling araw ng substitution o switching ng mga kakandidato sa lokal at nasyunal na halalan.

Aniya, kung sakaling tumakbo ang Alkalde handang magpaubaya si Dela Rosa para bigyang-daan ang pagtakbo ni Duterte-Carpio sa panguluhang pwesto.

“The act of filing my COC is a clear manifestation of my intention to be president of the Republic of the Philippines,” ani Dela Rosa.

“I believe deep in my heart, as the campaign period goes on, there will be an improvement in my (survey) standing and numbers,” kumpiyansang sambit ni Dela Rosa na tatakbo sa panguluhang posisyon para sa Halalan 2022. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: