[by Athena Yap]

“HINDI AKO NAGING THIRD PARTY” madiin na paglilinaw ng sexy actress sa kaniyang social media accounts.
Sunod sunod kasi ang pang-kukuyog ng mga fan kay AJ at pinagbibintangan siyang dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawang Aljur at Kylie.
“Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama, kung maka-bash naman kayo parang naka-patay ako ng tao,” saad pa ng aktres.
Sa kabila ng mga akusasyong nabanggit, pinasalamatan pa rin niya ang iba na patuloy na naniniwala sa kaniya at hindi siya dina-down.
Sumiklab ang naturang isyu matapos simulan ng internet sensation na si Xian Gaza at nasundan pa ng ibang mga litratong kumalat na magka-date si Aljur at AJ.
Nilinaw naman ni Kylie na wala na’ng issue sa kanya kung makipag date na sa kahit sino ang kanyang ex-husband. #DM
0 comments on “AJ Raval pumalag sa akusasyong third party sa hiwalayang Kylie at Aljur”