
USAPANG KOMUNIDAD: Sa malinis na kapaligiran nagsisimula ang pag-unlad ng isang komundad.
Ito ang pinatunayan ng mga nakiisa sa isinagawang “Linis-Pamayanan” sa Tramo-Nawasa Barangay Bagbag 1 sa bayan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ni Papang Willie Cuello, kahapon ng umaga, Oktubre 17, 2021.






Nakiisa rin sa linis-pamayanan si Kag. Ben Cupino at Kag. Francen Sanchez ng Brgy. Bagbag 2 sa nasabing bayan.
“Hindi pwedeng magbulag-bulagan na lang tayo sa ating nakikita. Hindi pwedeng patay-malisya na lang tayo habang dumaraan. Hindi pwedeng pikit-mata na lang nating tatalikuran ang basurang iniwan na lang sa daan.” saad ni KaMilenyo sir Sid Samaniego na nagbahagi ng kanilang kwentong pang komunidad. Mabuhay po kayo.
Pingback: LINIS-BAKURAN TUNGO SA MALINIS NA PAMAYANAN – SHOPPEX NIGERIA