Showbiz

Aljur Abrenica binasag ang katahimikan; Si Kylie raw ang unang nangaliwa

“Breaking Silence..” Panimula ni Aljur Abrenica na’ng bumuwelta sa katotohanan kung bakit sila nag-hiwalay ni Kylie Padilla. 

[by Athena Yap]

“Breaking Silence..”
Panimula ni Aljur Abrenica na’ng bumuwelta sa katotohanan kung bakit sila nag-hiwalay ni Kylie Padilla. 

Batay sa hinaing ni Aljur, hindi na raw niya kinakaya ang mga “sugar coated” na statements tungkol sa kanya.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statements for your self gain,” saad ni Aljur.

“Tell them who cheated first” diin pa ng aktor.

Wala naman daw siyang “hate” na nararamdaman sa mga bumabatikos sa kaniya, bagkus na-aappreciate niya ang mga ito dahil sa nakikita niyang suporta sa dating relasyon nila ni Kylie.

Kaya naman naki-usap si Aljur na sabihin na ni Kylie ang katotohanan sa nangyari sa relasyon nilang mag-asawa.

“I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite of the truth,” dagdag pa ni Aljur.

Kasunod ng hinaing ng aktor ay ibinahagi rin ni AJ Raval ang naturang post ng aktor na siyang kinukuyog at pinagbibintangan ng mga tao na sanhi ng hiwalayang Aljur at Kylie.

Samantala, pasimple naman ang tugon ni Kylie sa mga paratang sa kaniya ni Aljur. Nag post lamang ang aktres sa kaniyang IG story ng mga kanta gaya ng “Easy On Me” ni Adele at “Happier Than Ever” ni Billie Eilish.

Kaya naman ang mga netizen sa social media ay gulong gulo na at di mapakali sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa hiwalayan nina Kylie at Aljur. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Aljur Abrenica binasag ang katahimikan; Si Kylie raw ang unang nangaliwa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: