
MANILA, Philippines — Sakabila nang patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar, pasyalan, at sa mga pumupunta sa Manila Bay para makita ang ganda ng dolomite beach doon. Pinaalalahanan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang publiko na maging maingat sa paligid at panatilihing sundin ang health protocols upang maiwasan ang hawaan pa rin ng virus kahit na ibinaba na sa Alert Level 3 status ang NCR.
Sa isang interyu sa CNN Philippines, sinabi ni Abalos na dapat mapanatili ang pagsasagawa ng minimum health protocols para mailigtas ang sarili sa COVID-19. Aniya, kailangan natin gawin ang “self-police” at practice self-discipline.
Dahil sa nalalapit na tayo sa kapaskuhan, marapat na tayo ay natuto na sa mga nagdaang quarantine restrictions. Kailangan nang paghihigpit pa rin upang hindi umabuso ang nakararami.
Sinabi naman ni OCTA Research Guido David kahapon na ang reproduction rate sa Metro Manila ay bumaba sa 0.52 porsiyento at ang positivity rate naman ay nasa 8 porsiyento. Ang bilang nang mga kaso sa naturang rehiyon ay bumaba na rin.
Samantala, nakikipag-ugnayan ang MMDA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matugunang bantayan ang mga taong pumupunta sa artificial beach sa Manila Bay. #DM
0 comments on “Striktong Health Protocols sa mga pampublikong pasyalan, kailangang tutukan – MMDA”