Entertainment Showbiz

Hiwalayang Kylie Aljur maapoy pa rin sa Social Media

Tila wala na’ng araw na hindi mainit sa social media ang isyu sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Mas lalong nag init ang apoy matapos na basagin ni Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan sa isyung ipinaparatang sa kaniya.

[by Athena Yap]

Tila wala na’ng araw na hindi mainit sa social media ang isyu sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Patuloy ang pag bunga sa istorya nina Kylie at Aljur na parang nanunuod na ng sine sa social media.

Mas lalong nag init ang apoy matapos na basagin ni Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan sa isyung ipinaparatang sa kaniya.

Una ay pasimpleng mga kanta ang patama ni Kylie sa kaniyang IG after umapela ni Aljur. 

Tapos ay nagsalita na rin ang Nanay ni AJ Raval (Si AJ ang hinihinalang third party).

Ayon sa Nanay ni AJ tao na lumapit sa kanila si Aljur para tanggapin siya ng pamilya ng aktres.

“Ang totoo. Kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin na masakit ng mga walang alam sa pangyayari,” saad pa ng ina ni AJ.

Kasunod niyan ay umapela na rin ang pinsan ni Kylie na si Princess Paulino at matapang na nagbigay ng pahayag kay Aljur.

“Hey Aljur, please have some decency” bungad pa niya.

Inisa isa ni Princess ang mga punto niya para kay Aljur.

Aniya, si Aljur ang unang nanloko at maraming beses pa. Marami din daw utang si Aljur kay Kylie at mas pinili ni Kylie na hindi magsalita tungkol sa mga bagay na iyon.

“It’s not her fault why you have plenty of bashers. It was your choice to flaunt your new girlfriend in public,” sabi pa ni Princess.

Samantala, nag salita na rin si AJ at sinabi ang dahilan kung bakit niya ibinahagi ang apela ni Aljur. Aniya, hindi iyon para kay Aljur kundi para tigilan na siya ng mga tao.

“Ayoko na, gusto ko nalang ng peace. Sana matapos na to. Kasi bugbog na talaga yung mental health ko, hindi ko na kaya. So magso-social media detox muna ako. Siguro next year nalang ako babalik sa social media,” pahayag ni AJ.

Kasunod niyan ay makikitang malinis na ang social accounts ng aktres at itinira niyang video ang huling apela niya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Hiwalayang Kylie Aljur maapoy pa rin sa Social Media

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: