Entertainment Showbiz

Cristy Fermin pinuri si AJ Raval; hate si Kylie Padilla

Walang tigil ang balitaktakan sa social media tungkol sa break-up drama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ngunit sa puntong ito, tila napuno na si Kylie. Sunod-sunod ang tweet niya patama sa beteranong entertainment writer na si Cristy Fermin.

[by Athena Yap]

Walang tigil ang balitaktakan sa social media tungkol sa break-up drama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ngunit sa puntong ito, tila napuno na si Kylie. Sunod-sunod ang tweet niya patama sa beteranong entertainment writer na si Cristy Fermin.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sa inyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” hinaing ni Kylie kay Cristy.

“..at sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” dagdag pa niya.

Na-trigger ang aktres dahil sa umabot sa kaniyang pahayag ni Nanay Cristy. “Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden,” sabi ni Nanay sa kaniyang program. “kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay,” sabi pa niya.

Pagkatapos naman makarating kay Fermin ang mainit na hinaing ni Kylie sa kaniya, kaagad din siyang nagbitaw ng depensa.

“Kylie, alam mo. Hindi mo pu-pwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at kanilang susulatin. Katulad ko, ako’y isang kolumnista. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa columns ko,” paliwanag ni Fermin.

Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang mag mamando at magdidikta sa akin na kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sayo, maling puno ang kinahulan mo. Maraming salamat sayo, Ms. Kylie Padilla-Abrenica.”

“Kung gusto mo na puro maganda lang ang tungkol sa iyo ang mababasa mo. Magtayo ka ng sarili mong publication. Pero para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko, hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin, kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad. Hindi ko papanakaw sayo yun, Kylie Padilla!” paglaban pa ni Nanay.

Samantala, kung ano’ng init naman nina Kylie at Nanay Cristy sa isa’t isa ay siyang ganda naman ng puri ng manunulat kay AJ Raval.

“Hanga ako sa batang ito. Hangang-hanga ako sa kanya. Bukod sa maganda na siya, maganda ‘yung disiplina, pagpapalaki sa kanya ni Jeric at saka ni Alyssa,” pahay ni Fermin tungkol naman kay AJ.

“Ang ganda-ganda ng kanyang paliwanag…Hindi po madaling humarap sa mikropono, humarap sa camera at magsabi na patawarin. Kaninong puso na matigas na matigas ang hindi makakaunawa sa paliwanag ni AJ Raval, ‘di ba?” ani Fermin. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Cristy Fermin pinuri si AJ Raval; hate si Kylie Padilla

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: