83–anyos na matanda na naka-wheelchair pinangiti ng isang konsehal sa kanyang kaarawan sa President Quirino, Sultan Kudarat SULTAN

Read Time:1 Minute, 14 Second

[RASHID RH. BAJO/Photo credit to Ms. Annaliza J. Aprosta FB]

KUDARAT, Philippines–––Abot–langit ang tuwa ng isang 83–anyos na matanda sa bayan ng President Quirino sa probinsya ng Sultan Kudarat ng bumulaga sa kanyang harapan ang isang kumpol na “especially–designed pink flowers” na may kasamang laso.

Ayon sa report, nakangiti at maluha–luhang tinanggap ni Lolo Clarita “Laling” Lozano ang nasabing napakagandang kumpol ng mga bulaklak na may kasamang “ribbon” na mula kay Municipal Councilor Meris Ian Aradanas ng bayan ng President Quirino, kung saan kilala na “Muscovado sugar capital” ng probinsya.

Ayon sa isang report na pinoste sa www.healthline.com, ang “Muscovado” ay isang “unrefined cane sugar that contains natural molasses” at mayroon itong “rich brown color, most texture, and toffee–like taste.”

Masayang tinanggap ni Lola Clarita ang nasabing mga bulaklak na bigay ni Konsehal Aradanas bilang regalo nito sa kanyang ika–83rd na kaarawan noong October 14, 2021.

“Surprise na pa–birthday ni Konsehal Aradanas para kay Lola Laling,” sabi ng isang apo nito na si Annaliza Janolino Aprosta sa pinoste nitong mensahe sa kanyang FB account.

Si Konsehal Aradanas ay dating bise mayor ng nasabing bayan. Ayon kay Ms. Aprosta, nagpapasalamat ito sa kabutihan ni Konsehal Aradanas at pagpapangiti sa mga matatanda.

“Maraming Salamat po sa ating butihing SB Member Hon. Meris Ian D. Aradanas sa sorpresa mo sa kaarawan ni Lola Laling. Sana pagpalin po kayo ng ating Poong Maykapal Sir Ian.,” sabi ni Ms. Aprosta. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 14 sa 17 Metro Manila LGUs, nasa “low risk” na ayon sa OCTA Research
Next post BINEBENTANG BAHAY NI JAMES REID INIYAKAN NG MGA FAN
%d bloggers like this: